tumatanda na tayo!
July 2, 2006 by fep-c
recently napapansin ko dumadami na ang party na inaattendan ko, yes, di tayo naging papular, children’s party! ang mga b-day natin di na masyadong sine celebrate,dahil malapit ng pauno ang cake! minsan nga wala ng cake kandila na lang,di bale mawala man tayo sa calendar may bingo card pa naman.
kung dati-dati masyado tayong abala sa paghanap,kung ano ang bagong pampaputi, pampatangal ng pimples, at kung ano ang bagay ibigay sa classmate mong may putok, well ngayon pag tumitingin ka sa salamin medyo nakaka worried na ang lines sa noo at ang eye bags, pati ang skin mo di na ksing ganda ng dati, kung ano anong cream naman ngayon ang hanap natin to prevent the sign of aging. kung dati pag may nagtanong sayo kung ilang taon kana, ang bilis mong sumagot ng 21! ngayon pag may nagtanong pinapahulaan mo nalang, kung mababa nakaka flattered, tsaka mo palang sasabihin ang totoo, pag medyo lumampas ang sarap saktan ng kausap mo.haha.
dati masyado tayong demanding sa mga parents natin tungkol sa baon, marami tayong naiimbentong bayarin, at ang tuition laging may 20% na kickback, eh ngayon tayo na ang pinag dedemandan! (buti di ganyan si ina) minsan wala pa ang pay pocket mo ubos na ang sweldo. bayad sa mortgage, council tax, pension, at kung ano- anong pang bill na naimbento ng gobyerno.kung bilbil nalang ba ang kunin nila masaya pa tayo.
dati pag may naka k-swiss na shoes sa school, big tym kana, or pag naka kain ka sa shakeys,sam’s diner or fridays. eh nagyon gusto mo na ang mga hate na hate mo dati-yung daing, tuyo, pakbet or talbos ng kamote, minsan pati spinach nilalagyan mo na ng suka at sibuyas maging kalasa lang. at ngayon kung ilan at anong sasakyan na ang labanan, well im sticking to kariton! al fresco ba!
dati napapa galitan tyo pag nagtatagalog ka sa english class, ngayon naiinis ka sa mga pinoy na ayaw magtagalog! putaragis na buhay to no, wala kang itulak sipain! totoo na ang buhay parang bola. minsan ikaw yung nasa taas minsan ikaw ang nasa ibaba, minsan ikaw ang humihingi,next tym ikaw ang hihingan,minsan ikaw ang pinagpapasensyahan minsan ikaw ang magpasensya, minsan ikaw ang pangit, minsan matuto mong tanggapin! oha akala mo makakalusot ka! kailangan nalang nating tawanan ang buhay minsan, kung hindi mabilis malalagas ang buhok nating numinipis na at ang wrinkles ay lalong dadami. bow!
hmm.. ala pa naman akong ganong wrinkes sis.. hehe
*wrinkles
yun mga lumang kanta na
kapanahunan ng lolo mo,
hinuhuni mo na din.
yun mga babae na dati ay
hindi mo pinapansin,
hinahagilap mo na din.
may nagsabi nga sa akin na
mas magiging “excited” na
ako sa magiging buhay ng
mga anak ko, kaysa sa sarili
ko. pero ayokong mahigitan
nila ang “excitement” na
dinanas ko noon, hehehe.
pero hindi ako natatakot
sa mga bagay na ito. ang
kinakatakutan ko ay yun
dati’y palaging nakatayo
eh ngayo’y yuyuko, hehehe.
tanda ka dyan?
it like i’m feeling my teens just about now. ^_^ altough i have some laugh-lines… unlike someone that i saw…. (napapanot na!)
i agree about that ate, kc ang isa sa kinatatakutan ko is pano ang darating na mga araw, parati na lang ba tayo na naka kapit sa ating mga magulang, ang buhay natin ay parang isang bula, natutuwa tayo sa makukulay na kulay sa bula, pero, gaano ba tayu hanada sa darating na mga araw. may kapasidad ba tayu para tumayo sa sarili natin. ang alam ko kailangan natin ng tulong ng Dyos, oo tutulungan tayu ng Dyos, pero ang mas totoo ay tayo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran…
to Godo: napapanot? sino? ituro mo sa akin yun pinaka-malapit na picture. asan? asan? kaya nga ako eh, tinatago ko na yun noo ko. teka, hindi ba ako yun tinutukoy mo? hehehe.
galing ng sinabi mo ah! correct na correct talaga! keep it up. very inspiring!
Godo, sino yung panot na sinasabi mo? hehe
ganda nmn! bsta me wla p wrinkles pro tumtanda n dhil s mga nerd n students! kainis tlaga! bk pwede mo me pautangin pmbili visa hehehehe…. yoko n d2 s pinas! mlapit n mg-aral ang inaanak mo ky nid n nmin hanap new jobs n tlgang my sweldo at my kunswelo kht pagod!
PANOT? SINO YUN??? HA!HA!HA! WELL, SISTER, ANG ALAM KO LANG, TAYONG DALAWA EH “FLAWLESS” PA DIN! HE!HE!HE! IKAW NA YTA YUNG GIRL NA NUNG HIGH SCHOOL TAYO AY LAGING MUKHANG FRESH AT BABY LAGI ANG AURA..WLA KA NGA PIMPLES ‘NO! AT NGAYON KO LANG SASABIHIN ITO HA…INGGIT NA INGGIT AKO SA BUHOK MO NUON PA..(SARAP MO NGA KALBUHIN EH!) PA’NO NMAN, KAHIT DI KA MAGSUKLAY, SOBRANG BAGSAK AT SHINY! HABANG KAMI EH DI MALAMAN KUNG PAANO GAGAWIN SA WAVE NG BUHOK NMIN..HAY…BUT UR RIGHT TOL…SHIT! MALAPIT NA TYONG MAWALA SA CALENDAR!
kilala ko si panot@ hehehe
yung panot?
sasabihin ko na lang through private message. hehehehe